MENU
MAYNILA 19 November 2024 - Ipinaaalam sa publiko na ang bilang ng mga mga appointment slot para sa pagsusumite ng mga aplikasyon para sa serbisyong Apostille ay itataas sa ilalim ng bagong Online-Appointment-Only System. Sa ilalim ng sistemang ito, maaalis na ang mga walk-in upang mapanatili ang kaayusan sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko at magkaroon ng maginhawang karanasan ang mga aplikante.

Ang mga kliyente lamang na may kumpirmadong online appointment ang papayagang magsumite ng aplikasyon para sa serbisyong Apostille. Hindi na tatanggapin ang mga walk-in na kliyente.

Gayunpaman, ang mga sumusunod na indibidwal ay hindi sakop ng patakaran na ito at maaaring magsumite ng aplikasyon nang walang appointment:

  1. Mga may-ari ng dokumento na senior citizens
  2. Mga may-ari ng dokumento na may kapansanan (PWDs)
  3. Mga may-ari ng dokumento na buntis
  4. Mga may-ari ng dokumento na mga Overseas Filipino Workers (OFWs), sa kondisyon na magpakita ng patunay ng pangangailangan na may kaugnayan sa mga deadline sa trabaho o imigrasyon; maaaring sila ay katawanin ng mga miyembro ng kanilang immediate family.
Hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang bagong sistemang ito. Para sa karagdagang impormasyon at upang mag-book ng appointment, bisitahin ang DFA website sa https://www.apostille.gov.ph/ .

Maraming salamat sa inyong kooperasyon. END